Mga Hakbang sa Paggamit ng Filipino E-HUB
-
Pagkabukas ng portal ay mayroon kang makikitng “LET US HEAR YOURVOICE”, ito ay sarbey na maaari mong sagutan ukol sa portal. Kung hindi mo pa nais sumagot, maaari mong pindutin ang simbolong “ekis” (x).
-
Sa ibabang bahagi ng homepage makikita ang mga mahahalagang tao na tumulong upang mabuo ang Filipino E-hub; Punong guro, Puno ng Kagawaran ng Filipino, at mga guro sa Filipino.
-
Piliin tab ng SLM na angkop sa iyong baitang: (Baitang 7 – 10) at pindutin ang arrow button sa ibaba ng tab na napili at magpatuloy.
-
Sa loob ng SLM tab ay makikita ang folder na naglalaman ng mga modules mula Unang Markahan hanggang Ikaapat na Markahan. Piliin at pindutin ang folder ng Markahan na nais mong pag-aralan.
-
Sa loob ng napiling Markahan, makikita ang mga folder ng Aralin sa bawat linggo. Pumili ng Araling nais pag-aralan saka pindutin ang folder.
-
Maaaring pindutin ang arrow button o logo ng Kasarinlan High School upang makabalik sa homepage.
-
Sa kanang bahagi sa itaas ng homepage, makikita ang menu button ( parisukat na mayroong tatlong guhit na pahiga), pindutin ito upang makita ang sumusunod:
-
Maaaring mamili sa mga ito, halimbawa ang iyong napili ay Pagtataya:
-
Pumunta sa menu, pindutin ang Pagtataya. Makikita dito ang apat na tab na naglalaman ng bawat baitang mulan 7-10. Piliin at pindutin ang baitang na angkop sa iyo.
-
-
Bago makapagsagot sa pagtataya, ibigay muna ang lahat ng hinihinging impormasyon tungkol sayo:
-
Pangalan
-
Baitang
-
Pangalan ng guro
-
Password (Ito ay manggagaling sa iyong guro sa Filipino) saka magpatuloy sa pagsagot ng pagatatayang nakahanda.
-
-
Kapag natapos na sa pagsagot ng Pagtataya, pindutin lamang ang “submit” saka bumalik.
-
Paalala: Kung hindi makakapagpasa ng Answer sheet online, maaari pa ring ipasa ang hard copy sa paaralan.
-
Sa kanang bahagi sa ibaba ng Pagtataya, mayroong makikitang “chat button”, pindutin ito upang makapagpadala ng mensahe sa iyong guro sa Filipino. Maaari mo ring bisitahin ang propayl ng iyong guro upang makapagpadala ng mensahe ukol sa mga aralin. Ang propayl ng iyong guro ay matatagpuan sa homepage ng portal.